top of page
  • Writer's pictureMark Saberola

ANG VPX FRANCHISE NG VALUEPLUS




INILUNSAD ng ValuePlus Auto Services Philippines noong 2019 ang franchise brand nito na VPX o ValuePlus Auto Service Express, ang tinatawag na “THE CASA ALTERNATIVE™” dahil sa mga katangian nito na maihahalintulad sa isang casa o car dealer. Tinutugunan ng VPX franchise ang mga dahilan kung bakit naghahanap ng alternative sa mga casa ang mga customer.

Narito ang limang dahilan kung bakit dapat ikonsidera ang VPX bilang franchise ng mga nais mag auto repair shop.

DUMADAMING MGA SASAKYAN, LUMALAKING OPORTUNIDAD Nagtatala ng 10-15 porsyento na paglaki ang auto industry kada taon ayon sa tala ng LTO, inaasahan na aabot ng 5 milyon ang mga pang-pribadong mga sasakyan sa susunod na isa hanggang dalawang taon. Kaakibat ng paglaki ng dami ng mga sasakyan ay ang pagtaas ng pangangailangan sa mga maasahang gagawa ng mga ito, na may mahigit lamang tatlong libo ang dami sa buong bansa. Kaya napapanahon ang pag-iinvest sa isang franchise ng auto repair shop katulad ng VPX The Casa Alternative™.

MAS MABABANG KAPITAL, MABILIS NA ROI Ito ang kauna-unahang konsiderasyon ng maraming nais mag-franchise, pasok ba sa budget ang investment dito, mula sa 5 hanggang 7 milyon na puhunan ay maaari nang magkaroon ng isang VPX franchise, ito ang isa sa pinaka mababa at sulit na franchise package na mayroon sa merkado ngayon. Nagiging balakid ng matagal na pagkabawi ng puhunan o yung tinatawag na ROI sa pagpa-franchise ay ang mataas na kapital dito, sa VPX, may opsyon ang isang franchisee na magsimula ng maliit o yung tinatawag na starter package, kung saan tinatayo ang isang shop na bagama’t may sapat na laki, ay sinisimulan sa basic na set-up na kung saan ay maaaring tumanggap ng maraming uri ng mga gawain, ng hindi masyadong gumagastos sa mga kagamitan. Ang pakay ng setup na ito ay hayaan na makapagsimula, lumaki at makapag dagdag ng puhunan mula sa kita ng shop ang isang franchisee upang mas mapalago pa ito.

MAASAHANG SUPORTA, HINDI LAMANG SA SIMULA Inaasahan ng mga nagpa-franchise ang suporta ng mga franchisor hindi lamang pagkatapos itong maitayo at makapagbayad ng franchise fee, at ito ay ginagarantiyahan ng VPX; simula sa paghahanap ng puwesto, financing ng mga kagamitan, credit line para sa mga piyesa, pag-ti-train ng mga tao, pagpapadala ng mga reliever kung kinakailangan, marketing, paghahanap ng mga kliyente, at napakarami pang uri ng mga direct at indirect na support ay ibinibigay sa mga franchisee, nauna man ang mga ito o kakasimula pa lamang sa VPX. Napakahalaga ng aspetong ito sa tagumpay ng isang franchise. KILALANG TARGET MARKET, MALIWANAG NA STRATEHIYA Upang hindi madala ng mga tinatawag na mga “fad” o uso, at mga gimmick na maaaring ika-lugi ng isang franchise, dapat kilala nito ang tinatawag na target market bago pa man itayo ito, sa tulong ng franchisor, ay maaring masiguro ito bago pa man mag-invest sa isang franchise. Dahil kung kilala kung sino ang merkado, maiaayon ang marketing at mga presyo ng mga inaalok na serbisyo sa kakayanan ng mga ito at hindi lamang dahil sa dikta ng kompetisyon. Kinakategorya ng VPX ang mga customer nito bilang mga maintenance at breakdown customers.

TULOY-TULOY NA INNOVATION, HINDI PAHUHULI Mabilis ang pagbabago ng mga teknolohiya sa auto industry, dahil dito, ang VPX ay gumagamit ng data analytics upang maigiya ang mga istratehiya nito. Mayroong garage management system at mobile app na nasa cloud upang mas mapadali ang pakikipag-transaksyon at tumaas ang kita ng isang franchisee.

Para sa inyong mga komento at suhestyon sa tinalakay na paksa sa kolum na ito, pakibisita ang aking mga social media pages @talyermentor.

Comments


bottom of page