top of page
  • Writer's pictureMark Saberola

MGA ARAL NG VALUEPLUS BILANG CASA ALTERNATIVE




TAONG 2013 nang magbukas ang ValuePlus Auto Service sa Quezon City, bilang paunang sangay ng isang after-market service center o propesyonal na pagawaan ng mga sasakyan, sa pamumuno ng chairman nito na si Mr. Normann Chiu at ng inyong Talyer Mentor upang mabigyan ng opsyon ang mga may-ari ng sasakyan na naghahanap ng alternative sa mga casa, dito na nga nakilala ang ValuePlus, at kalaunan, ang mga VPX franchise shops bilang mga casa alternative. Narito ang ilang mahahalagang aral na sa loob ng halos isang dekada ay natutunan ng ValuePlus bilang The Casa Alternative™ .

TRANSPARENCY AT HONESTY Isang market research ang isinagawa ng ValuePlus upang mapunan ang pagkukulang sa merkado ng pag-aayos ng mga sasakyan. Sa pag-aaral na ito ay sinasabi ng mga may-ari na handa silang magbayad ng nararapat sa pagpapaayos ng kanilang mga sasakyan at hindi lamang presyo ang kanilang basehan sa pagpili ng shop, binibigyan din nila ng pagpapahalaga ang transparency at honesty ng mga ito. Ito ay tinugunan ng ValuePlus sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pakikipag-komunikasyon sa nga customer nito; may nakatalagang Service Sales Advisor sa bawat branch, nakakatanggap ng professional na job estimate upang makapamili ang mga customer, may mobile app na nag-a-update sa customer ng kalagayan ng kanilang mga sasakyan, at higit sa lahat, ini-engganyo ang mga may-ari na tingnan ang kanilang mga sasakyan habang ginagawa ang mga ito upang makapagtanong at mabigyan ng paliwanag kung kinakailangan.

VALUE FOR MONEY O SULIT Dahil praktikal ang mga Pinoy, isa pang hinahanap ng mga may-ari ng sasakyan sa mga casa alternative ay kung sulit ba ang kanilang binayad sa pagpapagawa ng mga ito. Pag­lilinaw nila, hindi ito dapat mas mahal kumpara sa casa, na nagiging isang dahilan kung bakit sila umaalis sa mga ito pagkatapos ng kanilang mga factory warranty. Sa ValuePlus at mga VPX shops, bukas ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng Service Sales Advisor at ng may-ari ng sasakyan kung ano ang mga opsyon na maaaring pamilian, kung saan maaa­ring makamura ang customer. Nandiyan ang paggamit ng mga tinatawag na original equipment manufacturer’s (OEM) o original parts, aftermarket replacement parts at minsan pa nga ay surplus parts. Ipinapaliwanag din sa customer kung anu-ano ang mga benepisyo sa paggamit ng mga ito, ganoon din ang mga maaaring kaakibat na panganib, bilang bahagi pa din ng pagiging transparent.

Bagama’t hindi masasabing laging mura sa ValuePlus at sa mga VPX shops, ito ay maituturing na sulit dahil sa kalidad ng trabaho at warranty na binibigay sa mga ito. PARTNERSHIP Malaking populasyon ng mga customer ng ValuePlus ay mga tinatawag na mga corporate or fleet. Sila ay iyong mga negosyo na maraming sasakyan na ginagamit ng kanilang mga ahente at mga empleyado sa field. Dahil sa kalidad ng trabaho at reputasyon ng ValuePlus bilang casa alternative, ang mga naglalakihang pharmaceutical, BPO, construction at marami pang mga kumpanya ay sa Value­Plus din nagpapagawa ng kanilang mga sasakyan. Ito nga ay isang patunay na pagkatapos ng casa, ang ValuePlus at mga VPX shops ay puntahan ng hindi lamang mga indibidwal na mga may-ari ng sasakyan, ganoon din ng mga negosyo.

CUSTOMER NA NAGING TAGAHANGA Higit sa lahat, ang isang pinakamahalagang aral na napulot ng ValuePlus ay ang pagpapalago ng pakikisama sa mga customer nito. Mga customer na hindi lamang nasiyahan sa serbisyo, naging mga tagapagtaguyod na rin ng ValuePlus sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan o mga ka-opisina. Ito ay posible.

Para sa inyong mga komento at suhestyon sa tinalakay na paksa sa kolum na ito, pakibisita ang aking mga social media ­pages @talyermentor.

11 views0 comments

Comments


bottom of page