top of page
Writer's pictureMark Saberola

IBA’T-IBANG URI NG CASA ALTERNATIVES




INA-ADBOKASIYA ng kolum na ito ang pagpapa-casa-maintain ng mga sasakyan, lalo pa nga’t nasa ilalim pa ang mga ito sa tinatawag nating factory warranty na tatlo hanggang limang taon o 100,000 na kilometro na milyahe. Pagkatapos ng warranty at minsan ay bago pa nga ito, karamihan ng may mga sasakyan ay naghahanap na ng mga tinatatawag na mga alternative sa casa o “casa alternatives”, Dahil dito, nais kong ibahagi ang iba’t ibang uri ng mga casa alternatives, at kung paano magiging kapaki-pakinabang ang pag-papagawa sa mga ito.

SERVICE STATION O LUBE SHOPS Sila ‘yung mga nakikita natin sa mga gasolinahan, convenient, at mura, praktikal na casa alternative para sa pagpapalit ng mga langis at iba pang fluids na kinakailangan ng mga sasakyan. Ilan sa mga kilala dito ay ang Helix Oil Change+, Express Lube Cen­ter, Car Care Center, MotoCare, Lubeserv at iba pa. May mga ilan sa mga nabanggit na service stations ang gumagawa ng hindi lamang oil-changes, kung hindi ng mga iba pang mechanical repairs depende sa lokasyon at availability ng kagamitan, mga piyesa at mekaniko. Dahil sa dami nila, maaasahan sila sa mga emergency at sila ang mga eksperto pagdating sa mga langis.

FRANCHISE AT CHAIN SHOPS Ang mga uri ng shops na ito ang pinakamalapit na alternatibo sa mga casa. May maaayos na mga pasilidad tulad ng mga casa at bukod sa mga oil-change, ay kayang gumawa ng PMS o preventive maintenance servicing na inire-rekomenda ng mga factory, ganoon din ng mechanical at electrical repairs, katulad ng mga casa. Kilala ang Rapide, Motech, ValuePlus, Car Crew, NextHub, Wilson & Jackson, at VPX The Casa Alternative™ shops sa mga ito. Muli, depende sa lokasyon, ay halos lahat ng repairs na ginagawa sa mga casa ay kaya din naman gawin ng mga ito, maliban sa body at paint at sa mga electrical repairs na minsan ay casa lamang o planta ang may mga espesyal na kagamitan upang maayos. Karamihan sa mga operators at mga mekaniko ng mga shop na ito ay nangga­ling din sa mga casa o sa mga training institution na partners ng mga planta. Malawak ang kaalaman ng mga shops sa kategoryang ito dahil sila ay nakakapag-ayos ng iba’t ibang uri ng brands ng mga sasak­yan, kadalasang mas mura din kaysa sa casa dahil nakakapamili ang mga customers na gumamit ng mga replacement parts.


TIRE AT WHEEL SHOPS Karamihan ay mga franchise at chain shops din ang mga ito, subalit sila ay mas kilala sa pagbebenta ng mga gulong, sa kabila nito, karamihan sa mga uri ng shops na ito ay gumagawa din ng oil-change, PMS o preventive maintenance servicing, mechanical at minsan pa nga ay electrical repairs. Nabibilang dito ang Servitek o AutoCare, Yokohama, Tyre Gallery, Tire Center, Roadstar, Tireshakk, Tyrehaus, En-Tire, Drive+, MS Tire at marami pang iba. Idagdag pa listahan ng mga uri ng shops na ito ang mga espesya­lista sa mga mga tinatawag na “mags” katulad ng Concept One, Dubshop, NCL Miller at iba pa. Sila ay karaniwang dalubhasa hindi lamang sa mga mags at gulong, ganoon din sa mga tinatawag na underchassis repairs.

Ito ay unang bahagi pa lamang ng listahan ng mga alternative sa mga casa, abangan sa susunod na linggo ang huling bahagi ng paksang ito.

Para sa inyong mga komento at suhestyon sa natalakay na paksa sa kolum na ito, pakibisita ang aking fb.com/talyermentor.

18 views0 comments

Comments


bottom of page